Saturday, September 13, 2014

Para sa mga Titser (Lalo na kay Mama)



The "gallant" and dedicated teachers of Hinakpan Elementray Schoo in Guihulngan City, Negros Oriental. Unlike other teachers in the lowlands or cities, these teachers have to be contented with their boots and slippers. The school is situated in a hinterland barangay where shoes and sandals are rarely used. They literally cross rivers and hike mountains just to reach their precious destination- their classrooms. They deserve our utmost respect

Tama si jesli lapus, ang dating secretary ng Department of Education..edukasyon po ang solusyon… Sa kahirapan, sa kriminalidad, sa drug addiction, sa mga rebelde at kung anu ano pang problema ng ating lipunan. Sa mga maraming oportunidad ang naghihintay sa mga taong may pinag- aralan. Ang edukadong tao ay hindi basta- basta naloloko at napapasama sa masasamang bisyo at grupo. Hindi sila agad agad nalilinlang ng mga masasamang loob, ng mga rebelde o terorista. Kung baga sa pintuan ay mas maraming pintuan ang nakabukas para sa kanila. Kung baga sa loob ng isang building o gusaling madilim ay mas maraming bintana para sa liwanag. Itaguyod natin ang edukasyon ng ating mga anak kahit na ang kapalit po nito ay sakripisyo nating mga magulang. Sabi nga ng aking ama at ina, ang kaalaman o edukasyon ay ang tanging yaman na hindi maaring nakawin ninuman. Hindi rin ito nabibili ng pera o salapi bagkus, ito ay natatamasa sa loob ng mahabang panahon. Huwag nating ipagkait sa ating mga anak ang liwanag na hatid ng edukasyon.

Ang mga guro ang tagapag- hubog ng kinabukasan ng ating kabataan- kung kayat malaki ang papel na kanilang ginagampanan sa ating lipunan. Nakasalalay sa kanilang husay o galing, kakayahan at higit sa lahat, sa kanilang dedikasyon ang kahihinatnan ng mga susunod na henerasyon. Ang pagiging guro ay parang pagiging sundalo din at pari. Hindi lahat ay pwedeng maging guro sapagkat ito ay hindi lamang trabaho kundi isang bokasyon. It is not a job alone but a commitment to the welfare of the youth.
I believe the teachers are our are future
they teach us and always lead our way
they show us the knowledge they possess inside
they give us sense of pride, to make it easier
let the pupil’s laughter remind us how we used to be
everybody’s searching for a hero
people need someone to look up to
I never found anyone to fulfill my needs
a lonely place to be
so Ilearned to depend on them.

Sana sa pamamagitan ng kantang iyan ay mas lalong maging dedikado ang mga guro sa propesyon na kanilang napili. Sila ang mga tunay na bayani ng bayan.

Saludo ako sa mga titser, katulad ng aking ina.


Ang Sundalong Pilipino




Ang Sundalong PILIPINO
ay may matatag na kaisipan at pangangatawan
may angking talino at sariling kakayahan
marunong tumanggap ng pagkakamali at pagkukulang
at agad itong itinatama o kaya’y pinupunan.
 
Ang Sundalong PILIPINO
ay hindi bulag sa bawat katotohan sa kanyang paligid
ang mga maling gawai’y kanyang itinutuwid.
ang puso’y may kakayahang mag- isip at gumawa
ang utak nama’y puno ng pag- ibig sa kapwa
kahit anong oras handa siyang makinig
kanyang pinapahalagahan ang bawat pagbukas ng bibig.
bagamat siya ay hindi naman perpektong nilalang
ang mga tungkuling sa kanya ay ini- atang
ay buong- pusong niyang binabalikat at ginagampanan.

Ang Sundalong PILIPINO
madapa o matumba man ay dagliang bumabangon
sa kanyang pinangalingan ay marunong lumingon
kanyang isinasaisip at isinasapuso
ang bawat aral ng buhay na sa kanya’y itinuro.

Ang Sundalong PILIPINO
ay marunong kumilala at mayroong pag-galang
sa mga bagay na mahalaga dito sa ating lipunan
pamilya’y kanyang minamahal nang tapat at lubusan
at ang bayan nama’y buong- pusong pinagsisilbihan
ngunit higit sa lahat ng bagay dito sa sanlibutan.
ang Sundalong PILIPINO
ay may takot at pagmamahal
sa nag-iisang Dakila at Poong Maykapal.