“A faithful servant may be wiser than the master, and yet retain the
true spirit and posture of the servant. The humble man looks upon every,
the feeblest and unworthiest, child of God, and honors him and prefers
him in honor as the son of a King.”
― Andrew Murray, Humility |
Sunday, September 14, 2014
Faithful Servant
Labels:
A Soldier's Life,
Baguio City,
Brotherhood,
Cadet,
Incorporation Day,
Killed in Action,
PMA,
Recognition Day
Random thoughts from a former tedaks written while he still can, and in the hope that someday, his daughter would read it and understand the old man.
Pagbabalik
Kaibigan,
Isang mapayapang pagbati sa’yo at iyong mga kasamahan.
Ako ay isang sundalo na nakatalaga dito sa inyong barangay.
Mahabang panahon na rin ang aking ginugol bilang kasapi ng Hukbong Katihan.
Tungkulin naming pagsilbihan ang mga mamamayan at ipagtanggol ang ating bayan
sa lahat ng mga kaaway nito, banyaga man o kapwa natin Pilipino. Tulad mo, ako
ay naging saksi na rin sa maraming mga karahasan sa pagitan ng mga sundalo at
ng inyong grupo. Makailang ulit ko na ring naranasan ang kalupitan ng labanan
at ang pait na dulot nito sa bawat panig lalung- lalo na sa mga mamamayan na
walang kinalaman sa kaguluhan.
Sa loob ng mga panahong inilagi namin dito sa inyong lugar, napag-
alaman ko ang inyong mga karaingan at suliranin na nagtulak sainyo upang magpasya
na magbitbit ng sandata. Bilang isang Pilipino, nais kong malaman ninyo na
nauunawaan ko ang inyong mga ipinaglalaban. Hangad ko na mas higit pang
maunawaan ang inyong kalagayan at nang sa ganun ay makatulong ako sa anumang
paraan sa abot ng aking makakaya. Siguro naman ay nababalitaan mo na ang mga
programa na aming isinasagawa ngayon dito sa ating lugar. Inaanyayahan kita
sampu ng iyong mga kasamahan na makiisa sa mga programa ng ating pamahalaan.
Lahat ng aming ginagawa ay may hangaring makapaghatid ng kapayapaan,
kasiguruhan at kaunlaran sa ating bayan. Para sa inyo, para sa ating mga anak.
Kung nais mong makipag- ugnayan o makipag- usap sa akin, ako ay
nakahanda upang kayo ay harapin anumang oras, saanmang lugar. Ito ang tungkulin
at panata ko bilang isang sundalo, kaibigan at kapwa Pilipino na naghahangad ng
katahimikan. Ang pamahalaan ay nakahandang makinig at tumanggap saiyo. Ako,
sampu ng aking mga kaibigan at kapamilya ay buong- pusong nagpapaabot ng aming
paanyaya upang muli kang magbalik sa buhay na matiwasay at malaya .
Sana ay magkita tayo sa lalong madaling panahon. Mananatiling
bukas ang aming pintuan at naghihintay sa iyong mapayapang pagababalik.
Naghihintay sa ngalan ng kapayapaan,
Sgt Matapat
Labels:
A Soldier's Life,
Baguio City,
Brotherhood,
Cadet,
Incorporation Day,
Killed in Action,
PMA,
Recognition Day
Random thoughts from a former tedaks written while he still can, and in the hope that someday, his daughter would read it and understand the old man.
Subscribe to:
Posts (Atom)